Chapter 235

1203 Words

Nang buksan ko na ang pinto ng bahay ay napatigil ako. Hindi ko mabuksan dahil nakasarado ito mula sa loob. "Bakit naka-lock ang pinto?" nagtataka kong tanong sa aking sarili. Hindi ko mapigilang mag-isip na baka nakatulog na sila. Sumilip ako mula sa bintana pero may makapal na kurtina na nakatabon kaya hindi ko makita ang loob. Tinawag ko sa loob ang mga kapatid ko isa-isa pero hindi pa rin nila ako sinasagot. Habang tinatawag ko isa-isa ang mga kapatid ko ay may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko mapigilang lingunin ito at baliwalain na lang ito. Nang tingnan ko ang gawi kung saan nagmumula ang kakaibang tingin ay may kung ano akong napapansin na hindi ko maipaliwanag. Mayroong isang lalaki na nasa loob ng itim na kotse habang nakabukas ang salaming bintana sa driver seat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD