Kinabukasan ay nagtungo ako sa kompanya ng dati kong boss. Kahit nakapagpaalam na ako sa kaniya ay gumawa pa rin ako ng resignation letter para pormal ang pag-alis ko sa posisyong in-apply-yan ko. Nag-usap kami sandali at malungkot ito sa naging aking pasya at nagbiro pa ito na ako lang ang mga tumagal na sekretarya niya. Kaya lang ay hindi ko na pwedeng bawiin ang mga sinabi ko dahil alam kong dapat kong sundin si Kent para magkaintindihan kaming dalawa. "Talaga bang hindi ka na mapipigilan?" Umiling ako habang ngumingiti. "Nag-usap na kami ni Kent tungkol dito, Sir Clenn. Tama lang na sundin ko siya." "Sigurado ka ba? Hindi ba ito tungkol sa inamin ko sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Sa totoo lang ay isa iyon sa dahilan ni Kent. Nagseselos ito pero hindi nga lang ma