Sinadya kong tumigil sa isang pwesto kung saan may maraming nagkukumpulang mga tao. Nang mapansin kong naglalakad palabas si Kent ay nagmamadali rin ako sa aking paghakbang. Gusto ko siyang maabutan makausap man lang saglit lalo na at pansin kong may malalim siyang iniisip. Mukhang wala siyang ganang dumalo sa kasiyahan at pagkakataon ko na itong sunggaban ang sitwasyon. Hinawakan ko ang kaniyang braso at bago niya pa matanggal iyon ay dinumog na kami ng mga media influencer. Kaya sinadya kong huminto ay para sagutin ang mga katanungan nila. Gusto kong ipakita sa lahat na maayos kami at nais ko lang isagot na kailangan lang namin ng time and space. Balak ko pa naman sanang pagaanin ang loob niya at kunin ulit ang tiwala niya sa akin. Aayain ko sana siyang uminom at kunwarin