Lagi akong abala sa trabaho ko sa opisina at nagpapasalamat ako dahil may mapaglalaanan ako ng aking oras. Kahit sa trabaho man lang ay maging okupado ng utak ko at hindi ako masyadong mag-aalala kay Layna. Dahil sa tuwing nababakante ako ay hindi ko rin mapigilan angbsarili kong puntahan siya sa opisina. Ayaw ko siyang nakikitang nakaratay sa kama ng hospital pero wala akong magawa para makaalis siya sa higaang iyon. Habang tinititigan ko si Layna, pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako dahil ang totoo ay nasisikipan na ako kahit saan man ako magtungo. Nahihirapan na akong langhapin ang sariwang hangin dahil si Layna lang ang palagi kong naiisip. Hindi ko kayang magsaya kahit na anomang okasyon habang si Layna ay nakaratay pa rin