Chapter 243 - Kent P.O.V

1377 Words

Ngayong araw ay dadalaw na naman ako sa hospital. Sa loob ng dalawang taon ay wala pa ring pinagbago. Naging daily routine ko na ang trabaho at pagbabantay kay Layna sa hospital. Pagdating ko sa hospital ay nagpakawala ako ng matunog na hininga bago ko nilakasan ang loob ko para pihitin ang siradora. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at sa oras na 'to ay si Carmen ang nakatuka. Ngumiti ako ng pilit at nilapitan ko siya sa kaniyang kama. Dinampian ko siya nang halik sa kaniyang noo at pagkatapos ay inagaw ko kay Carmen ang hawak niyang basang bimpo. "Ako na ang magpapatuloy," sabi ko sa kapatid ni Layna at pinayuhang magpahinga muna ito. "Ako na, Kuya. Alam kong pagod ka." Tanggi sa akin ni Carmen pero hindi ko hinayaang tanggihan niya ako. "Hindi ako mapapagod pagdating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD