"You're crying again!" walang ganang wika ng taong kanina lang ay iniisip at namimiss ko. Nakapagbihis na ito at may bitbit ng pagkain sa kaniyang kamay. Pinahid ko kaagad ang mga luha sa aking pisngi at nanatili pa rin sa aking posisyon. Nilagay niya ang pagkaing dala sa maliit na mesa ngunit ang kaniyang paningin ay hindi winawaglit sa akin. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit wala sa kaniya ang aking paningin. Nilinis ko ang aking mukha at ayaw kong ipakita sa kaniya ang miserable kong hitsura. "I'm sorry but I hate to think about you with somebody else..." sinadya niyang ibitin ang karugtong ng sasabihin at binigyan ng emosyon ang salitang hinuli. "And I need you." Parang nilamutak ang puso ko sa sobrang sakit dahil sa aking narinig. Ayaw niyang nakikita akong kasama ang ib