Habang nasa malalim na pag-iisip ay bumalik sa aking isipan ang mga nakaraan. Kung paano ko siya nakilala at paano'ng nagsimula ang lahat. Ilang taon na ang nakaraan ay naaalala ko pa rin ang mga nangyari noon. Sariwa pa rin sa mga alaala ko kung paano ako nasabak sa sitwasyong ito. Kung paano ko nakilala si Kent? At kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon? "Ate Layna..." umiiyak na salubong sa akin ng kapatid kong si Carmen at niyakap ako nang mahigpit na siyang ikinagulat ko. Siya ang nagbabantay kay Tessa sa hospital habang kaming lahat ay naghahanap ng paraan para makahanap ng pera para pambili ng resita niya. "Bakit ka umiiyak Carmen, ano'ng nangyayari?" Kinakabahan kong tanong sa kapatid dahil namamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Hindi na rin halos makapagsalita dahi