Madaling araw akong hinatid ni Kent gaya ng pangako niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa akong ihatid niya? Nagtataka rin ako sa aking sarili kung bakit umayon lang ako sa pasya niya. Sa halip ay para pa akong kinikilig sa aking narinig na siya na ang bahala sa akin upang makauwi sa bahay. Kung magsalita kasi ito ay para bang pakiramdam ko ay wala na akong aalahanin pa and I feel safe to be with him. Hindi ko nga lang maiwasang kabahan sa mga taong nakapaligid sa amin. Lalong-lalo na ang Mommy niya at si Arah. Pero sa tuwing kasama ko siya ay nawawala na naman ako sa aking sarili at hindi ko na naisip na baka may makakita sa aming mga tsismosa sa aming lugar. "Kent, dito na lang ako. Itabi mo na lang diyan ang kotse mo sa gilid." Turo ko sa bandang mayadilim na parte.