"Kent, kailangan ko na talagang umuwi," namamaos kong wika. "Mamaya na lang," nagsusumamo niyang hiling sa akin. Gusto kong tumutol pero para na naman akong nahuhulog sa kumunoy dahil sa kiliting pinapadama niya sa akin. Nakikiliti ako sa kaniyang padampi-damping halik sa aking balikat patungo sa aking leeg. Napasinghap rin ako nang bigla niyng kagatin ang aking tenga. Wala siyang kaalam-alam kung gaano kahirap sa akin ang kaniyang mga kilos. Pinapahirapan niya ako sa kaniyang mga ginagawa sa akin dahil alam niya talaga kung paano mapapabago ang aking isip. Papaling-paling ang aking ulo dahil nakikiliti ako sa kaniyang mga labing kasalukuyang gumagapang. "Kent..." damang-dama ko ang sarap at mababaliw na talaga ako nito. Palagi niya lang akong binabaliw at tinutukso. Alam niy