Nasa apartment ako ngayon at pagod na pagod ako galing sa trabaho. Gusto ko na lang magpahinga at matulog na lang kahit na wala pang laman ang aking tiyan. Pinauwi ako ng boss ko ng maaga pagkatapos ng lahat ng mga nangyari kanina. Humingi ito ng paumanhin sa mga nasabi niya sa akin pero hindi na niya mababawi ang lahat ng sakit na ibinaon niya sa kalooban ko. Dumiretso na ako sa aking kwarto at pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa malambot na kama. Napagod na akong magpalit dahil sa sobrang antok. Siguro dahil kagagaling ko lang ding umiyak kanina sa opisina at natagalan pa ako lalo sa pag-uwi ko sa apartment dahil masyadong mabigat ang trapiko sa daan. Nasa jeep pa lamang ako ay antok na antok na ako. Kaya minsan ay hindi ko mapigilan ang sariling mapaidlip. Pinikit ko ang ak