Sabay-sabay at sunod-sunod ang pagbagsak ng traydor kong mga luha. Nasasaktan ako dahil sa mga nangyayari. Para akong sinugatan gamit ang matulis na bagay o namatayan ng pinakaimportanteng tao sa buhay. Wala na akong magawa para pigilan ito at wala na akong pakialam kahit siya pa ang amo ko. Parang gusto kong kalimutan na siya ang boss ko kahit ngayong araw lang. Gusto ko lang naman na marinig din niya ang side ko kung bakit ako nasa sitwasyon na 'to. Gusto kong malaman niya na hindi madali sa akin ang lahat. Na sobrang nahihirapan na rin ako at patang gusto ko na lang sumuko. "Alam mo bang napakasaya ko dahil inalok mo ako ng trabaho kahit na ganito lang ako. Kahit alam kong napakababa kong klaseng babae. Akala ko iba ka sa kanila, akala ko hindi mo ako huhusgahan gaya ng iniisip nil