"Ano'ng ginagawa mo rito?!" matigas na tanong ni Chad sa taong bumisita sa akin. Kagagaling ko lang sa pagtulog dahil bumabawi pa ako nang lakas. At kahit na gising na ang aking diwa ay pinapanatili ko pa rin ang pagpikit ng aking mga mata. "I just want to see her, Chad. Kahit ngayon lang ay hayaan mo muna akong pagmasdan siya... aalis din ako kaagad, Chad." Rinig ko ang pagsusumamo ni Kent. "Pagkatapos mong ilagay sa peligro ang buhay niya ay may lakas na loob ka pang bumisita rito! Wala ka na ba talagang kahihiyan?" "I didn’t like what happened to her and I was also hurt by what happened. Chad, believe me I try to stop my wife but I was too late." "But you still let her d*mn perish!" galit na sabi ni Chad at pinipigilan ang boses na hindi makagawa ng matinding ingay. Sobrang swer