Higit isang linggo na akong nakaratay sa hospital at kahit na ilang beses kong sabihin kay Chad na okay na ako ay gusto niya pa ring makasiguro. Siya ang nasusunod sa pagkakataong ito. Kahit nga kaya ko na ang sarili ko ay inaalagaan niya pa rin ako. "Sa banyo lang ako maliligo saglit," pasimple kong paalam at binitbit ang kung ano mang nakasabit sa kamay ko. Pero napitigil ako sa paglalakad nang bigla na lamang siyang bumuntot sa akin. "Bakit ka nakasunod?" nagtataka kong tanong at binalingan siya nang tingin. "Tutulungan na kita," tugon niya gaya ng dati nitong dahilan sa loob ng higit isang linggo. "Kaya ko na Chad." Tinitigan niya ako na para bang hindi siya kumbinsido. Kaya natawa na lamang ako sa reaksyon niya. "Hindi ako baldado." Nakangiti kong dagdag at nagpatuloy na sa pagp