"Ma'am, aalis na po ba tayo?" tanong sa akin ni Manong ngunit tango lang ang naging tugon ko sa tanong sa akin ng driver. Parang nagulat pa ito sa aking pagpasok habang tinitingnan niya ako sa salamin na nasa harap ng kotse. Hindi niya siguro akalain na kaagad akong makakabalik. "Ma'am Layna, ayos lang po ba kayo?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Gaya ng una kong sagot ay tango lang din ang aking iginante. Alam kong hindi siya mapanatag dahil isang sulyap niya lang ay malalaman na niya kaagad naa may mabigat akong dinaramdam. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero ayaw ko ang pakiramdam na may nag-aalala sa akin. Kahit na ang totoong nadarama ng puso ko ay dahan-dahan akong dinudurog na para bang gusto na akong patayin. Nang walang makuha si Manong na sagot galing sa akin a