Gulong-gulo na ang isip ko at sobrang nalilito na sa mga pagsubok na dumating sa aking buhay. Gusto kong umiyak ng walang tigil at magwala sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Bakit nangyayari sa amin ito, kung ganitong masasaktan lang din naman pala kaming pareho? Minsan ay gusto ko ng sumbatan ang maykapal pero kahit na gawin ko 'yon ay hindi pa rin kayang abutin ng utak ko ang lahat ng mga kasagutan. Nasasaktan ako dahil nakakapanghinayang ng loob, mamatay na lang akong malungkot at sawi ang puso. Gusto ko siyang tanungin kung bakit hindi niya ako makita? Natawa ako ng mapakla sa aking naiisip dahil alam ko naman na wala akong lakas na loob na itanong sa kaniya iyon. Alam kong maninikip lang ang didbdib ko kapag sinagot niya ako ng totoo. Sabi nga nila na ang lahat ng mga k