Nadurog ang puso ko sa aking mga narinig at sobrang gulong-gulo na ang aking isipan. Naguguluhan ako dahil sa pagkakalito ng nararamdaman ko mula ng mahalin ko siya. Ang hirap at ang sakit pero wala akong magawa kundi tiisin ang sakit at huwag na lang umasa na tumbasan niya ang pagmamahal niya sa akin. Sanay na akong kasama si Layna sa buhay ko. At natatakot akong mamatay dahil ayaw kong iwanan siya. Kung maari ko lang sanang mabago ang kapalaran ay ako na ang gumawa ng paraan. Kasalanan ko rin naman dahil napabayaan ko ang sarili ko. Hinayaan kong sa kaniya lang umikot ang mundo ko. Pero isa lang ang masasabi ko, masakit masaktan pero hindi ko pinagsisishan. Habang nakaupo ngayon sa buhangin ay wala akong ibang naaalala kundi ang aming mga pinagdaanan. Sa unang pagkakatan