Habang nag-uusap kaming dalawa ni Chad ay bigla na lang itong napahawak sa kaniyang dibdib. Natakot ako at ilang beses siyang tinanong kung ano ang problema. Pero hindi siya kumibo sa akin at natataranta na rin ako dahil alam kung may iba siyang nararamdaman. "Chad, ano ba?!" singhal ko sa kaniya at hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses. Wala akong nakuhang sagot at kita ko kung paano niya hinahabol ang kaniyang hininga. "Tulong! Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!" Malakas kong sigaw dahil nattakot na ako sa aking nasaksihan. Parang konting-konti na lang ay mapupugtuan na ito ng hininga. Tinitingnan ko siya na parang manipis na tela na hinihipan ng hangin. Na gaya ng isang dahon na nilipad ng hangin dahil wala ng kahit na ano'ng natitirang bigat. Hindi ko na