Pinuntahan ako ni Ate Anna sa hospital kung saan na-confine si Chad. Nag-aalala na rin ito sa akin ngunit hindi lang ito makapagreklamo. Dahil alam niya kong gaano ka importante sa akin si Chad. Nang makita ko pa lang siya sa bukana ng pinto ay hindi ko mapigilan ang sariling umiyak sa mismong harapan niya. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya ang lahat ng pighati at magtapang-tapangan. At nakokonsensya rin ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko itong lahat. Kung hindi dahil sa mga pansarili kong problema ay hindi ito mangyayari kay Chad. Kinalimutan na ni Chad ang sarili niya dahil sa akin. Nilapitan ako ni Ate habang ang mga mata ay malungkot na nakatitig sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit at sa tuwing hinahaplos niya ang likod ko ay hindi ko pa rin maramdaman ang kaginh