"Chad, magpahinga ka na muna pero huwag kang mahihiyang sabihin sa akin kung may gusto ka. Nauuhaw ka ba, gusto mo ba ng tubig? May masakit ba sa iyo?" 'di mapakaling tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin at parang hindi ito nakikinig sa mga tanong ko. "Layna… pwede mo ba akong tabihang matulog?" nahihirapan niyang tanong sa akin at halos hindi kayang tapusin ang gustong sabihin. Para bang kinakapos ito sa kaniyang hininga kahit na may suot na siyang oxygen. Kahit na sinabi sa akin ni Tita Jerlyn na hayaan na lang si Chad sa kaniyang gusto ay kinulit ko pa rin itong magpahinga. Ayaw kong mapagod siya sa mga walang kwentang usapan. Hindi makakabuti sa kaniya ang makipagkwentuhan lang sa akin lalo na at wala namang halaga. At sa pangungulit ko sa kaniya ay pinagbigyan niya ako sa a