Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko at kaagad na nagtungo sa gate. "Kent!" tawag ko sa kaniyang pangalan dahil hindi ko siya maaninag nang maayos. May malaking halaman na nasa harapan niya kaya tanging anino pang ang nakikita ko sa kalsada. Lumapit ako ng konte at sinilip ito. Mukhang 'di niya ako narinig sa pagtawag ko kanina laya tinawag ko siyang muli. Pinaghahampas niya paang mga braso niya dahil mukhang pinagpapantasyahan siya ng mga lamok. "Kent, ano bang ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko dahil dapat ay nagpapahinga na siya sa mga oras na ito. Napangiti na lang ako sa mahina niyang reklamo sa pangangagat sa kaniya ng mga lamok. As if naman kung maiintindihan siya ng mga ito. Kahit ilang beses niya itong murahib ay sisipsipin pa rin nito ang dugo niya. Napailing na lan