"Chad, halika tikman mo 'tong niluto ni Manang Miranda. Ako ang nagtempla niyan," masaya kong tawag sa kaniya at masasabik naman itong lumapit sa akin. Nilagpasan niya lang ang kaniyang pinsan na para bang ako lang ang nakikita niya. Sa kaniya nakatingin ang lahat pero binalewala ko lang silang lahat. Nilapit ko sa bibig ko ang kutsarang hawak ko at hinipan ko ng maraming beses para hindi siya mapaso bago ko ito isubo sa kaniya. "Ah," ani ko habang binibilog ang aking bibig para gayahin niya. Naalala ko tuloy noong nasa trabaho pa kami kung ilang beses niyang pinuri ang mga niluluto kong mga pagkain. Kahit mga gulay lang iyon ay sarap na sarap pa rin siya. "Ano, masarap ba?" Titig na titig ako sa mukha niya habang hinihintay ang sagot niya. Seryoso lang ang mukha nito kaya nag-alan