Kumain kami ni Chad sa isang fine restaurant gaya ng napag-usapan namin. Naisipan din namin na ibibili namin ng laruan ang pamangkin ko. Kahit papaano ay mawala man lang ang pagtatampo niya sa akin dahil matagal na akong hindi nagpapakita sa kaniya. Medyo kinakabahan pa rin ako dahil natatakot na baka kapag nakita ako ng mga kapatid ko ay ipagtutulakan na naman nila akong lumayo. Hindi naging maayos ang huli naming pagkikita dahil humantong kami sa away. Minsan ay naisip ko kung tama bang pinatulan ko sila? Ako ang may mali kaya dapat humingi na lang sana ako ng tawad noon at hindi na sila sinumbatan pa. Pero nangyari na ang dapat na mga nangyari at wala akong dapat na pagsisihan pa dahil huli na ang lahat. Nang matapos namin ang lahat ng plano namin ni Chad ay dumiretso na kami sa bah