Kinabukasan nang magising ako ay nakita kong nagluluto si Chad. Pagbukas ko pa lang ng kwarto ay sumalubong na sa akin ang amoy ng niluluto ni Chad para sa aming agahan. "Hindi ka pumasok sa trabaho?" nakokonsinsiya kong tanong dahil alam kong wala itong maayos na tulog kagabi. Binabantayan niya ako at inaalagaan ng husto. Nahihiya na nga ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan at sagabal sa normal nitong buhay. "May pupuntahan tayo," nakangiti niyang wika at mayroon daw siyang sorpresa sa akin. "Ilang araw ka ng uma-absent, Chad. Kaya ko na ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang mag-alala sa 'kin," mahina kong wika dahil kahit ayaw niya man aminin ay alam kong naaabala ko na siya ng sobra. Biglang naging seryoso ang tingin sa akin ni Chad. Sumimangot bigla ang kan