Pagsapit ng gabi ay hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali sa aking nalaman. Masyadong naging malupit ito kay Arah para itapon lang ito basta-basta sa kulungan ng mga baliw. Nakatalikod ako ngayon sa kaniya habang nakahiga sa kama. Wala pa ako sa kondisyon para kausapin siya pero siya ay kinukulit ako at sinserong humihingi ng tawad sa akin. Narinig ko ang pagbitaw niya ng malalim na hininga bilang tanda ng pagsuko. "Fine, hahayaan ko siyang mabuhay ng na aayon sa gusto mo. Pero ayaw kong tumira siya rito sa Pilipinas," aniya sabay yakap sa aking bewang mula sa likuran. Pagkalipas ng ilang segundong pag-aalangan ay tinanong ko siya. "Totoo ba?" "Kailan pa ako nagsinungaling sa 'yo? Hindi ako nagbibiro sa mga pangako ko kahit na labag sa kalooban ko," tamad niyang tugon dahil al