Para akong bata na binigyan ng maraming tsokolate at mga candy sa pasko. Ang puso ko ay parang tumalon sa saya. Masayang-masaya ako at hindi iyon mababayaran ng kahit na anomang halaga ang tuwa sa puso ko. Buong pusong binibigay ng Mommy ni Kent ang blessing niya sa aming kasal at walang bakas na pagdadalawang isip. Hindi ko rin inaasahan na darating ang mga kapatid ko ngayong umaga. Inimbitahan ni Tita Karen ang mga kapatid ko ng hindi ko alam. Isa talaga itong surpresa para sa amin ni Kent dahil pati siya ay walang kaalam-alam na gagawin ito ng Mommy niya. Pinag-uusapan naming lahat ang tungkol sa gaganaping kasal at mas pinili namin ni Kent na ikasal kami sa civil wedding. Makikipagdiskusyon pa sana si Tita Karen pero hindi nagpatalo si Kent. "Mas mabuti kong tayo lang a