"Sino 'yong dumating? Kapatid ko ba?" tanong ko kay Kent pagkatapos kong maligo sa banyo. Uminit ang pakiramdam ko kaya kinailangan kong magpalamig para hindi ako mahirapan sa pagpipigil. Nakakahiya ang inamin ko sa kaniya kanina. Hindi ako makapaniwala na inakit ko siya ng ganoon. Sa tuwing naiisip ko ang sinabi ko pakiramdam ko ay namumula na ng husto ang mga pisngi ko. Walang malay kong binasa ang aking mga labi gamit ang aking dila. Biglang naging dumumi ang utak ko. Kaya bago niya pa mabasa ang mga iniisip ko ay sinaway ko na ang aking sarili. "Sino pala ang kumatok?" nauutal kong tanong at iniwas ang tingin sa kaniya dahil sa hiya. "Dumalaw si Mommy." "Ha? Dumalaw ang Mommy mo?" kinakabahan kong tanong. Imposibleng wala itong sadya dahil hindi ito magtutungo rito kung