Gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil masyadobg traydor ang puso ko sa akin ngayon. Hindi ko kayang intindihan ang sarili dahil dapat ay maging masaya ako dahil ito na ang hinihingi kong kalayaan sa kaniya noon pa. Malapit nang dumating si Arah. Ngunit bakit ganito ang pakiramdam ko, ngayon? Hindi ko mapigilan ang pagsikip ng aking dibdib at kahit wala mang luhang pumatak sa aking mga mata ay doble naman ang sakit sa loob ko. Tinalo pa nito ang balde-baldeng iyak ko noong nakaraan. Para akong piniga sa sakit. ''So, ibig ba nitong sabihin na kaya hindi mo siya pinapakawalan hanggang ngayon ay dahil ginagamit mo lang siya para maibsan ang kalungkutang nararamdaman mo para kay Arah?'' matigas na tanong ni Sir Chad na bigla na lang sumabat sa usapan. Halatang kakapasok lang nito sa loob