Chapter 92

1028 Words

"You know what guys, naninibago talaga ako sa inyo. Hindi na kayo madaldal kagaya ng dati pero hindi pa rin kayo nagbago sa pagiging babaero niyo," natatawa nitong komento at tiningnan ang mga babaeng kasama namin, kasali na ako ro'n. Ngunit nakakapagtaka dahil ang paraan ng pagkakatingin niya sa amin ay hindi man lang nakakainsulto. Pakiramdam ko ay napakabait niya. Malayong-malayo siya sa ugaling inaasahan ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mahal na mahal ito ni Kent. Hindi ko maitatanggi ang kalungkutang nararamdaman ko at ngayon ko napagtanto na hindi talaga kami bagay ni Kent. Ibang-iba ang buhay naming dalawa at hindi ka tanggap-tanggap kong mamahalin niya ako at ipagpalit sa halos perpektong babae na kagaya ni Arah. Kahit nga ang boses nito ay napakalambing pakingg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD