Ang mga luha ang sagot sa mga sakit na hindi kayang sabihin ng bibig. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako maayos at wasak na wasak na ako. Gusto ko lang mawala na lang para matapos ang paghihirap ko. "Lahat sila ay walang pakialam sa akin, ikaw lang ang kaya kong utus-utusan at diktahan na samahan ako. At kapag nawala ka sa akin ay wala ng makikiramay sa akin." Dinampian niya nang halik ang likod ng aking palad at nagpatuloy ito sa pagsasalita habang hinaplos niya ang aking kamay. "Even, Arah she chose to leave me here para lang sa mga pangarap niyang kaya ko namang ibigay. And the hardest part is, I don't understand why she has to stay away? How can she manages to leave me here without worrying me and how she can sleeps at night without even knowing my situation. She doesn't even