Mas lalong humahanga ang mga magulang ni Isy sa katayuan nilang mag-asawa ngayon dahil may dalawang katulong pa ang mga ito. "Kumain muna tayo at baka lalamig na ang mga pagkain natin," alok ni Isy. Nagpalinga-linga ang mga magulang niya habang nagtungo sila sa kusina. Sobra silang namangha dahil halos ang mga kagamitan nila sa loob ng bahay ay mga mahalin. "Anak, ang saya ko para sa inyo," sambit ng kaniyang ina. "Salamat, Ma. Bawat ibinigay ng mga magulang ni Marshall ay iniingatan ko at pinapahalagahan. Tulad ng mga pangaral mo sa amin ni Ate noon." "Mabuti naman kung ganoon, anak." Hanggang sa nagsiupo na sila at nagsimulang kumain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahanda sa hapag-kainan. Lalo na at mga masasarap na pagkain ang pinapahanda ni Marshall. Habang ku