Chapter 24

1078 Words

"Ano ang ginagawa mo dito?!" Matapang na hinarap ni Isy si Ian. "Isy, sobra kitang na-miss, ang tagal kitang hinahanap," saad ni Ian, sabay yakap niya rito. "Bitawan mo ako!" Pilit siyang itinulak ni Isy. Tamang-tama naman ang siyang paglabas ni Marshall mula sa kuwarto. At kitang-kita ng kaniyang dalawang mata ang pagyakap ng lalaki sa kaniyang asawa. Nakaramdam siya ng konting kirot at nasa isip agad niya na ito ang dating nobyo ng kaniyang asawa. Bahagya siyang nagkubli at sumilip ng kunti habang hinihintay niya ang tugon ng asawa. Pilit na tinanggal ni Isy ang kamay ni Ian, at dalawang malakas na sampal ang isinukli niya sa lalaki. "Ang kapal ng mukha mong sabihing na-miss mo ako! Bakit, nasaan ka noong kailangan ko ng karamay? Nasaan ka noong kailangan ng ama ang aking anak?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD