Ivy's POV Habang nagpapahinga ay sinimulan ko na ayusin ang tent na matutulugan ko mamaya. Habang ang iba naman ay nag-uusap pa sa tabi at ang iba ay inaayos na rin ang kani-kaniya nilang mga tent. Alas sinco na ng hapon at nakakasigurado akong ngayon ay alam na ni Kysler or baka naman busy siya at hindi niya pa rin napansin na wala ako. "Tulungan na kita." napalingon ako sa biglang nagsalita sa aking likuran. Nasilayan ko si Bruce. Nakangiti na nakahawak sa duko ng tent na inaayos ko. "Salamat, pero kaya ko na ito," kaagad na tanggi ko. Sandali na kang kasi at matatapos ko na rin sa pag-aayos ang tent ko. "Huwag ka ng tumanggi, sa mga ganitong klaseng gawain na dapat lalaki ang gumagawa, kailangan mo ng lalaking assistant para 'di ka mahirapan." kumindat na naman ito sa akin. Al