Ivy's POV "Handa na ba ang lahat!" sigaw ng profesor namin. Hiking kasi namin ngayon. Kasama sa event ng university ang hiking. Doon na rin kami magpapalipas ng gabi sa pupuntahan namin na bundok. Kaya may kaniya-kaniya naman kaming dala na tent. Ngayon pa lang nga ay na-miss ko na ang triplets ko at si Candy na hanggang ngayon ay nasa new york pa rin kasama ang lola at lolo niya. Hindi rin ako nakapag-paalam kay Kysler dahil hindi na kami nagkakaabot. Sa gabi umuuwi ito ng tulog na ako. Sa tuwing umaga naman maaga siyang umaalis. Masyado siyang abala sa kompanya. Hindi na kami nakakapag-usap pa. Tiningnan ko ang mga dala ko kung kumpleto na ba ang lahat. Hirap na hirap akong buhatin ang dala kong bag habang papalapit sa van na sasakyan namin. "Ayos ka lang ba, Ivy?" tanong na