Third Person's POV Pasimpleng tinanggal ni Ivy ang kamay ni Kysler na nakayapos sa kaniyang bewang habang nakatalikod siya dito. Ang mukha ni Kysler ay nasa kaniyang balikat habang inaamoy nito ang kaniyang buhok pababa sa kaniyang leeg. Ramdam niya ang bawat paghinga nito sa kaniyang leeg. Dumadampi sa kaniyang leeg ang hininga ni Kysler. Napapikit na lang siya sa hatid na kiliti nito sa kaniya. Napakagat labi siya sa mga oras na ito. Gusto niyang labanan ang nararamdamang pagkagusto ng katawan niya sa ginagawa nito pero ang katawan niya ay kusang bumibigay sa ginagawa nito sa kaniya. "Later in my room," biglang bulong nito na nagpagising sa kaniyang diwa. Tila malamig na hangin ang dumampi sa kaniyang katawan dahil sa sinabi nito. "Ma'am!" biglang tawag sa kaniya ng sales lady. Ag