Ivy's POV "MAMA! MAMA!" tila naririnig ko sa aking panaginip ang boses ni Candy. "Mama! Wake up!" napamulat ako ng mata. Hindi pala ako nananaginip. Tumambad sa aking harapan ang anak kong naka-uniform at ang laki ng kaniyang ngiti. Sinipat ko ang sarili sa ilalim ng kumot. Agad na nag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi. May nangyari na naman sa amin ni Kysler. Bumigay na naman ang katawang lupa ko sa napaka-guwapong nilalang. Sandali akong nag-isip. Paano ako nakapagsuot ng damit? Ang naalala ko kagabi ay nakatulog na akong nakahubad. Mula sa pintuan ay pumasok si Kysler. Napatingin ako dito. Nakangiti ito habang may dala-dalang tray. Ang gwapo niyang mukha ay nakapagpatigil sa pag-iisip ko. Nakakapanibago naman ang kabaitan niya sa 'kin. "Breakfast in bed." Nakangiting