"WHAT did you just say?" tanong ni Don Diego kay Tylane habang kumakain sila ng dinner isang gabi. Uulitin sana ni Tylane ang sinabi nito sa Don subalit siya namang pagdating ni Strawberry. Nginitian ni Strawberry si Tylane na nanlaki ang mga mata nito saka napakislot sa kanyang kinauupuan. Parang nakakita ito ng kanyang kinakatakutan at agad na tumahimik. "Good evening po!" bati naman ni Strawberry kay Don Diego. Agad namang inalalayan ni Spencer si Strawberry upang makaupo ito sa hapag. "Kumusta iha? Palaki na nang palaki ang iyong tiyan! At except ko ng makita ang aking mga apo!" masayang sabi ng Don. "Kaya ko pa naman po huwag po kayong mag-aalala. Kung gaano po kayo ka- excited ganoon din po kami ni Spencer." Magiliw na sagot ni Strawberry saka pasimpleng sinulyapan si Tylane. "