ILANG minuto lang at tapos na ang team nina Spencer. Nagpaalam na ang iba na mag-relax tutal tapos na nang mag- almusal ang mga ito. Pati sina Dion at Ferrer ay nagpaalam na rin sa mag-asawa para mag-billiard daw. Naiwan na ang mag-asawang nagkangitian. "Saan mo ako ipapasyal?" tanong ni Strawberry. "Saan mo gusto?" balik tanong ni Spencer. "Paano ko masasagot 'yan! Ni wala naman akong alam na lugar dito." Nakalabing sagot ni Strawberry. Spencer chuckled and pinched his wife's cheek. "Do you want to go in Disney Land? Or, Yellowstone Park?" natatawang tanong muli ni Spencer. "Kahit saan basta hindi sa lugar na ibebenta mo ako!" Nahalakhak naman si Spencer. "Alam mo, I just don't understand! Kung pinagkakatiwalaan mo ba ako o hindi eh!" Napangiti naman si Strawberry sabay nangalum