THE BILLIONAIRE'S YOUNG WIFE CHAPTER 39 NAUNANG nagising si Spencer. Nang makaligo ito ay nagsulat sa maliit na notepad at idinikit sa may tabi ng cp ni Strawberry. Napagpasyahan kasi nila Dion at Ferrer na ihanda na ang presentation nila para sa kanilang mga kasosyong bago. Para hindi na sila magagahol sa oras. Alam naman ni Spencer na hindi mawawala si Strawberry kapag namasyal ito sa baba ng Hotel. Maraming mapaglilibangan sa tabi ng Hotel at sa katapat nito. Talagang perfect kung isa kang turista at bakasyonista sa lugar na iyon. May mga sariling swimming pools at skating gym ang Hotel. May mga bilyaran pa, at kung anu-ano pang mapaglilibangan. Sa Del Mundo Caffé sila magkita- kita. Pero bago magtungo roon si Spencer ay nagbilin muna siya sa isang room boy na dalhan ng breakfast an