HANGOS sina Donya Magdalene nang makarating ang mga ito sa hospital kung saan naroon ang mag- asawang Strawberry at Spencer. Subalit hinarang sila sa may information desk dahil nga restricted ang hospital sa utos ni Don Diego. Lahat ng mga papasok at lalabas sa hospital ay kailangang masuring mabuti bago mapayagan sa anumang kailangan nila. "I'm Strawberry's mother, I need to see her right now!" giit ni Magdalene sa Nurse na nakatoka sa may information desk. "I'm sorry po but according to Strawberry's background, she had no family except her Aunt in the province. And even you are her family or relatives, si Don Diego lamang po ang may karapatang payagan kayong makita ang daughter in law niya." Sagot ng Nurse. Saglit na natigilan si Magdalene. "I'm sorry Ma'am kasi sobrang delikado po

