BUMUTI na rin ang kalagayan ng isa sa mga triplets na si Kashimira. Naging normal na rin ang mga vital status at timbang nito. Habang nanatiling malakas naman ang resistensya nina Kashmir at Krishmar. Palabas naman na nang hospital si Spencer maliban kay Strawberry na siyang pinagkukuhanan ng gatas ang mga triplets. Breastfeeding siya at ito ang gatas ng triplets. Ayaw ni Strawberry na mahaluan ng iba pang uri ng gatas ang kanyang mga anak. Subalit suggestions din naman ni Aivee na mas mapabilis ang recovery ng triplets kung bibigyan nila ito ng hiyang na milk formula habang breastfeeding din si Strawberry. Since proven naman nila si Aivee kaya pumayag naman ang mag-asawa kahit ayaw sana ni Strawberry. Medyo nakakabangon na rin si Strawberry sa tulong ni Spencer o si Dion depende kung sino

