MABILIS ang paggaling din ng operasyon ni Strawberry. Katunayan ay nakauwi na silang mag- asawa. Pinapasyalan na lamang nilang mag-asawa ang kanilang triplets sa araw-araw. Subalit kapag may office days si Spencer ay sina Don Diego at Strawberry ang siyang bumibisita sa triplets. Todo alaga naman sina Aivee at ang kasama nitong doktor na siyang pediatrician at attended Doctor ng triplets kaya naibsan nina Strawberry ang kanyang matinding pag-aalala. Mananatili muna sa hospital ang triplets subalit sisiguraduhin nilang mag- asawa ang kaligtasan ng mga ito. Habang naging tahimik naman bigla ang kabilang kampo na labis ipinagtataka ni Donya Magdalene. Hindi muna ito kumilos sa pagkat kailangan muna niyang mag- lie low para sa pagpapagaling din ni Marco. Nagpunta naman si Magdalene sa Tri R's

