NAPAKUNOT-NOO si Don Diego nang makita ang mag- asawang kasarap lamang. "Bakit naka-uniporme nang pang McDo si Strawberry?" tanong agad ng Don. Tumikhim si Spencer. "Ah...Dad kasama iyon sa homework nila for their sem break." Sagot nito sabay mano sa kanyang ama. "Is that true, Sweet?" kay Strawberry tumingin ang Don. Tiningnan muna ni Strawberry ang kanyang asawa. Ngumiti naman si Spencer sabay haplos sa pisngi ni Strawberry pero pinandilatan niya ito nang lihim. Agad na nag- iwas nang tingin si Strawberry sa kanyang asawa at tiningnan ang si Don Diego. "Hindi po kayo nagkamali ng dinig kasi iyon po ang sabi ng asawa ko." Sagot ni Strawberry. Natawa ang Don. "Did Spencer bully you? Come on! It's for you to talk huwag kang mahihiya. Kilala ko ang aking anak maikli lang ang kanyang