WALANG nag- iimikan sa tatlo hanggang sa matapos na silang kumain lahat. Sina Don Diego at Spencer naman ay nagpunta sa library room kung saan sila makakapag- usap ng masinsinan. Walang ideya si Spencer kung ano ang kanilang pag-uusapan ng kanyang ama. "Maupo ka!" utos ng Don sa anak habang nagsalin ito ng alak sa dalawang kopita na hawak nito. Tumalima naman si Spencer at inabot ang baso na ibinigay ng kanyang ama. Bahagya itong sumimsim ng alak bago muling tumingin sa ama. "Anong agenda natin Dad?" tanong ni Spencer. "About our business, may collaboration technology ang lahat ng investors sa United States this coming month. Mahina na ako sa biyahe and I want you and Dion go for this as my replacement." Saad ng Don. "Sinabi niyo na po ba kay kuya?" tanong ni Spencer. "I will tell hi