KINABUKASAN. Maagang nagising si Spencer, paglabas niya ng kanilang kwarto ay siya namang pagdating nina Dion at Tylane. "Dumating ka na pala kuya!" sabi ni Spencer na kay Dion lang nakatingin. Lihim namang nagngingitngit si Tylane dahil hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ni Spencer kahit pahapyaw lang sana. "Oo! May kailangan akong aasikasuhin sa company na ibinigay ni Dad! Asap daw kaya bumalik kami agad." Sagot ni Dion. Tumango- tango si Spencer saka nag- inat. "Bakit ang aga mo yatang nagising? Maaga ka bang papasok?" puna ni Dion. "Nope. May pupuntahan kami ni Dad, nagpapasama siya kasi mukhang magiging busy ka na." Tugon nito. "Where? Puwede ko namang i- cancel ang gagawin ko today." Wika ni Dion. "Are you sure?" Paniniyak na tanong ni Spencer. "Sure! Saan ba?" "Sa