C-68: Going somewhere

1729 Words

NAKAHINGA nang maluwag si Spencer nang sinabi ni Aivee na dahilan lamang iyon ng paglilihi ni Strawberry. Walang ibang sakit ang kanyang asawa kundi dahil sa pagbubuntis nito. Kaya naisip ni Spencer na mahirap pala ang maglihi at magbuntis. Kaya mas lalo niyang naalala ang kanyang Mommy at bigla niyang na-miss ito. Kung kaya't pagkatapos nilang manggaling kay Aivee ay bumili ng dalawang bungkos ng bulaklak si Spencer. Ang isa ay ibinigay niya kay Strawberry na nakasandal pa rin sa upuan ng sasakyan. Isang bouquet ng red roses at isang bouquet ng white roses ang binili ni Spencer. Bumili rin ito ng kandila saka tuluyang sumakay sa kotse. "Ferdie, sa Private Agoncillio cemetery tayo pupunta bago sa bahay!" Bilin nito. Nagmulat si Strawberry nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. "Bakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD