RAMDAM ni Strawberry ang pagkirot at pagpintig ng mabigat niyang ulo. Sinapo ng kanyang kamay ang noo nito habang nakahiga pa siya. Kumilos ito patagilid at napangiwi nang masakit ang buo niyang katawan pati na ang nasa gitna ng kanyang mga hita ay mahapdi at makirot. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. At hubad na katawan ng kanyang asawa ang nabungaran niya. Saglit na hindi nakakilos si Strawberry at dahan-dahan niyang tiningnan ang sariling katawan. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makitang hubo't hubad din siya. At isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong sulok ng kanilang kwarto. Napabalikwas nang bangon si Spencer sa sigaw ni Strawberry kasabay noon ang pagtadyak sa kanya nito. Diretso hulog ang bagsak ni Spencer sa sahig. "Ano bang problema mo bakit ka