MASARAP ang nilutong tanghalian ni Spencer. Nagluto ito ng special bulalo at creamy beef steak. Ganadong- ganado namang kumain si Strawberry. "Hmmm...ang sarap! Stomach progress ang labas ko nito!" bulalas ni Strawberry. Napangisi si Spencer habang pinagmamasdan nito ang hitsura ng kanyang asawa na kumakain. "Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang gana mong kumain. But I'm happy dahil nagustuhan mo wifey!" wika ni Spencer. Nginitian din ni Strawberry ang kanyang asawa. "Gaya ng sabi ko sa'yo, lahat gusto ko hindi ako namimili basta tinatanggap ng sikmura ko." Tugon nito. Spencer giggled. "Sa palagay ko bumabalik ako sa teen age ko dahil sa'yo wifey!" turan niya. Napatigil si Strawberry sa kanyang pagsubo at nairapan niya ang kanyang asawa. "Hindi na po ako bata ano? I'm matured