NAPAKARAMING dumalo sa baby shower party nina Strawberry at Spencer. Lahat ay masaya at excited malaman kung ano ang kasarian ng triplets. Lahat ay amazed na amazed kay Strawberry dahil triplets ang dinadala nito. At iyon ang first grandchildren ni Don Diego kaya para sa kanya ay napaka- especial ang mga ito. He's been longing for the cry and laugh of child that came from his two sons. And now, natupad na iyon dahil malapit nang manganak si Strawberry. Maraming plano ang matanda sa kanyang mga apo, puro bonggang plano na ikanasaya naman ng mag- asawa. "Ang ganda mong buntis, siguro babae 'yan!" bulong ni Missy kay Strawberry. Napangiti na lamang si Strawberry. "Maybe!" Sagot niya. "Uy, ibulong mo naman sa amin!" sabad naman ni Jeddah. "Ang alam ko kambal iyan! Iba kasi ang laki niya e

