MAGTAGUMPAY ang isinagawang party nina Strawberry at Spencer. Katunayan nga ay parati nang binibisita at kinukumusta ni Don Diego ang mag-asawa. Sinisigurado nitong nasa mabuting kalagayan si Strawberry at ang mga dinadala niyang triplets sa kanyang sinapupunan. Kung gaano karami ang mga pinamili ni Down noon para sa triplets ay ganoon din kay Don Diego. Halos malula si Strawberry dahil sa dami ng binili ng Don para sa triplets. Hindi pa man ay mukhang magiging spoiled na ang mga anak nila ni Spencer. Baka nga magiging Lolo's girl at saka Lolo's boys na ang mga ito paglaki nila. "Mukhang hindi natin masosolo sina triplets paglabas nila Wifey!" masayang wika ni Spencer isang umaga habang naghahanda ito sa pagpasok ng kanyang trabaho. "Okay lang hubby! Atleast may karamay ako sa pag- aalag

