SINIGURADO ni Strawberry na kapwang sasakit ang ulo nina Don Enrique at Venus sa kakaisip sa kanya nang sila ay magpaalam ni Marco. Didiretso siya ngayon sa Tri R's Incorporate. Ngayon ang katapusan ni Miel at ang kumpanya nito. Hindi ito tumupad sa usapan kaya nararapat lamang na igagawad niya ang malaking parusa para kay Miel. Tatapusin niya rin si Tylane sa susunod na mga araw. And last but not the least, kina Don Enrique at Venus. Kaya lang ay ibayong pag-iingat naman ang kanilang gagawin sapagkat alam niyang maruming maglaro si Don Enrique. Habang sina Arman at Miel ay nagtatalo sa loob ng Tri R's building. Hindi makapaniwala ang binata na marami na sa kanilang mga stockholders ang nag- back out at inalis na ang kanilang mga shares. Hindi na lang the boat is sinking ngayon kundi lubo

